|
||||||||
|
||
melo
|
NAKATAKDANG lumahok si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa 23rd ASEAN Summit sa Brunei Darussalam sa darating na Miyerkoles. Ang impormasyon ay mula kay Assistant Secretary Raul S. Hernandez ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas. Gagawin ang ASEAN Summit sa darating na Miyerkoles at Huwebes, ika-9 at ika-10 ng Oktubre.
Tatalakayin niya ang mga paksang may kinalaman sa food security, infrastructure, investment, small, micro at medium enterprises, trade in services, skills and education, at women and the economy.
Ang APEC Economic Leaders meeting naman ay idaraos sa Lunes at Martes, ika-7 at 8 ng Oktubre sa Bali, Indonesia. Tatlong mahahalagang paksa ang pag-uusapan tulad ng pagkakaroon ng bukas at malayang kalakalan, pagkakaroon ng matagalan at malawakang kaunlaran at pagsusulong ng mas malalim na pag-uugnayan.
Makakausap niya ang kanyang counterparts mula sa 20 member economies at magsusulong ng kalakalan, liberalization at facilitation, economic at technical cooperation at people-to-people connectivity.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |