|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga may kapansanan, may magagawa sa lipunan
MAY mahalagang papel ang mga may kapansanan sa lipunan. Ayon kay Kalihim Arsenio Balisacan, ang Socio-Economic Planning Secretary, mayroong pangangailangang mabatid ang iba't ibang antas ng kahirapan at kawalan. Ito ang kanyang panawagan sa mga pinuno ng iba't ibang pamahalaan na pagtuonan ng pansin ang mga taong may kapansanan.
Kulang umano ang mga palatuntunang nasa Millennium Development Goals kung kapakanan at benipisyo ng mga taong may kapansanan ang pag-uusapan. Kailangang magkaroon ng "equal participation" sa larangan ng ekonomiya, lipunan at politika ang mga taong may kapansanan upang matiyak ang malawakang kaunlaran.
Idinagdag pa ni Kalihim Balisacan na ito ang titiyak na walang sinumang maiiwanan sa pagtatapos ng Millennium Development Goals sa taong 2015.
Ginanap ang roundtable discussion sa punong tanggapan ng United Nations sa New York City bilang bahagi ng high-level meeting on Realization of the MDGs at iba pang mga napagkasunduang palatuntunan para sa mga taong may kapansanan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |