|
||||||||
|
||
Kalihim Purisima, nagalak sa pinakahuling upgrade ng Moody's
IKINATUWA ni Kalihim ng Pananalapi Cesar Purisima ang pinakahuling upgrade ng Moody's Investors Service matapos ang matagal na talakayan. Natamo na ng Pilipinas ang Investment Grade rating na may kasabay na "positive outlook."
Ayon sa kalihim, ang maayos na fiscal at monetary policy ang nagpakitang muli ng bungang natatamo sa ginagawa ni Pangulong Aquino na ibalik ang pagtitiwala sa Pilipinas at mapasigla ang kalakalan. Isang malaking tagumpay ang natamo ng bansa.
Nananatili ang katapatan ng pamahalaan sa isang responsableng pamahalaan at fundamental macroeconomic strengths tulad ng structural current-account surplus, dagdag pa ni G. Purisima.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |