Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, dadalo sa ASEAN at APEC

(GMT+08:00) 2013-10-03 19:44:34       CRI

Professor Lydia Jose: Bilateral meetings mahalaga

BUKOD sa plenaryo ng Association of Southeast Asian Nations, ang mahalaga ay ang mga pagpupulong ng iba't ibang plataporma upang makapag-usap ang mga pinuno ng mga bansa. Hindi makikita ang resulta ng mga pagpupulong sa plenaryo kungdi sa mga bilateral meetings sa pagitan ng iba't ibang pinuno ng bansa.

MAS MAHALAGA ANG MAGAGANAP NA BILATERAL MEETINGS.  Ito ang paniniwala ni Prof. Lydia Jose na mula sa Department of Political Science ng Ateneo de Manila University.  Naniniwala siyaang magiging maganda ang patutunguhan ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Indonesia at Malaysia na may kinalaman sa posibleng paglahok sa Trans Pacific Partnership Agreement.  (Melo M. Acuna) 

Ayon kay Professor Lydia Jose ng Department of Political Science ng Ateneo de Manila University, makikita ang mga nagawa ng ASEAN sa kanilang website lalo na sa mga resolusyon at mga pahayag. Bagama't isang samahan itong napakaluwag, ito rin ang pinakalakas nito sapagkat tumagal na ito ng halos 50 taon sa estratehiya na nagiging matibay ang samahan sa pamamagitan ng consensus building. Ang ASEAN ang humalili sa SEATO at MaPhilIndo noong dekada sisenta, kahit pa maraming nagduda na magtatagal ang samahan.

Umaasa rin siyang mabubuo ang ASEAN Community sa taong 2015.

Tungkol sa pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Malaysia at Indonesia, maaaring makasama na ang pinakamalaking bansa sa Asia sa Trans-Pacific Partnership Agreement sapagkat mas magiging mas seryoso ang samahang ito kaysa sa Asia Pacific Economic Cooperation.

Mas magandang sumama na ang Tsina sa Trans-Pacific Partnership Agreement ngayon upang makasama sa pagbalangkas ng mga regulasyon sa mas malawak na samahan.

Kung magaganap ang pag-uusap ni Pangulong Aquino at Pangulong Xi Jinping sa ASEAN, magandang pag-usapan nila ang pagkakalakal ng mga Tsino sa Pilipinas, pagbabawas ng tensyon sa South China Sea, mas magandang pagtrato sa mga manggagawang Pilipino sa Tsina at pag-unawa sa mga drug mule, maghain ng ilang "concessions" para sa ikabubuti ng magkabilang panig.

1 2 3 4 5 6
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>