Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mahalaga ang kaunlarang para sa lahat

(GMT+08:00) 2013-10-08 18:51:18       CRI

 


Mahalaga ang kaunlarang para sa lahat

PANGULONG AQUINO SA APEC SA BALI, INDONESIA.  Nasa larawan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang paglahok sa pagpupulong ng mga kasaping ekonomiya ng Asya-Pasipiko.  (Malacanang Photo)

MASIGLANG LUMAHOK SA TALAKAYAN SI PANGULONG AQUINO.  Kabilang si Pangulong Aquino ng Pilipinas sa mga aktibong lumahok sa mga pag-uusap ng mga kalahok sa APEC Leaders' Summit sa Bali, Indonesia na nagsimula noong Linggo.  (Malacanang Photo)

SA makabagong takbo ng ekonomiya, mahalaga ang kaunlarang nadarama ng lahat. Ayon kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, sa buong daigdig, sa tulong ng mga datos na nakararating sa mabilis na paraan, ang mahihirap, ang mga napababayaan at mga walang lakas ay nagsasama-sama na at nananawagan ng pagbabago. May mga pagkakataong napapabagsak nila ang kanilang liderato at kung hindi ma'y sumusunod sila sa kahilingan ng madla na isama naman sila sa pag-angat ng ekonomiya.

Ito ang buod ng talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa APEC CEO Summit kamakalawa. Kailangan ding maging matatag ang kaunlaran sapagkat ito ang magbibigay ng poder sa mga mamamayan na makasama sa paghubog ng ekonomiya ng bansa. Sa kanilang pag-ambag sa ekonomiya, umaani rin sila ng kaukulang mga benepisyo, tulad umano ng nagaganap sa Pilipinas.

Idinagdag pa ni Pangulong Aquino na sa nakalipas na tatlong taon, dinagdagan ng Pilipinas ang salaping inilalaan sa social services tulad ng edukasyon, kalusugan at pagbabawas ng kahirapan. Ang Conditional Cash Transfer para sa mga pamilyang magpapanatili ng mga kabataan sa paaralan ay pinalawak na rin upang makasama ang mga pamilyang may anak sa high school. Ayon sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, 40% ang nadagdag sa kita ng mga nakatapos na high school kaysa doon sa mga nakatapos sa mababang paaralan. Isinasama na rin ang mga kabataan sa malalayong pook, kasama na rin ang mga nasa tribu upang makalahok sa Alternative Learning Systems. Matatagpuan ang mga guro sa mga mahihirap na komunidad upang magbigay ng karampatang edukasyon.

Sa Pilipinas, ayon kay Pangulong Aquino, matatagpuan ang kaunlaran at industriyalisasyon sa mangilan-ngilang pook samantalang nasa kabukiran ang mahihirap. Unti-unting bumubuti ang buhay nila sa pamamagitan ng palatuntunan sa pagsasaka, turismo at mga pagawaing-bayan. Hindi umano magtatagal ay matatamo na ng Pilipinas ang sapat na ani ng bigas para sa mga mamamayan nito.

Patuloy na ring dumarami ang mga turista sa pinag-isang pagkilos ng pamahalaan at mga mamayan, dagdag pa ni Pangulong Aquino.

Malaking tulong din ang nagagawa sa larangan ng pagawaing-bayan sapagkat napakikinabangan na ang farm-to-market roads patungo sa mga liblib na pook. Bukod sa nagkakaroon ng trabaho ang mga mamamayan sa kanayunan, sumisigla na rin ang sektor ng edukasyon, kalusugan at nababawasan na ang mahihirap sa Pilipinas.

Idinagdag ni Pangulong Aquino na higit na dumarami ang nakikinabang sa mga palatuntunang pang-kaunlaran sa iba't ibang bahagi ng bansa.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>