|
||||||||
|
||
Milyun-milyong Pilipino, wala pang sapat na arkantarilya
KAHIT pa nakarating na ang tao sa buwan at maganda ang sinasabing takbo ng ekonomiya ng Pilipinas, milyon-milyong mga tahanan ang walang sapat at de-tubong arkantarilya o sewerage.
Ayon kay Kalihim Ramon Paje, (ng Department of Environment and Natural Resources) kailangang mag-doble-kayod ang kanyang ahensya upang makatugon sa panangailangan ng bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni G. Paje na higit sa 20 milyong Filipino ang walang access sa sapat na sanitasyon. Wala pang 10 % ng mga mamamayan ang may de-tubong sewerage.
Ito umano ang dahilan kaya't ang dumi ay natutungo sa padaluyan ng tubig tulad ng mga batis, sapa at ilog. Tone-toneladang dumi ang nakararating sa mga ilog. Nakararating din ang nakalalasong basura mula sa mga pozo negro na dumadaloy naman sa mga ilog.
Nagpulong ang mga dalubhasa mula sa Departments of Public Works and Highways, Department of Health, mga pamahalaang lokal, water districts at mga concessionaires kabilang ang funding institutions upang pag-usapan ang paksang ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |