|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, nararapat managot sa pork barrel
SINABI ni Fr. Joe Dizon na nararapat panagutin si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa eskandalong bumabalot sa pork barrel sapagkat siya ang may huling desisyon kung ipapasa o ibabasura ang paglalabas ng salapi.
Sinabi ni Fr. Dizon ng #AbolishPorkMovement na umaasa siyang mananagot ang pangulo sa mga nagaganap sa bansa ngayon. Na sa poder niya na baguhin ang sistema subalit tumatanggi siya at isinulong pa ang kalakaran ng pork barrel.
Ang isyu ng Priority Development Assistance Fund ay nakarating na sa Malacanang lalo pa't nagkaroon ng Disbursement Acceleration Program.
Ang nakababahala umano ay nagbabagong-anyo ang political patronage sa paglipas ng mga taon. Mayroon na ring leadership bonus sa Kongreso at mayroong government savings na sumailalim ng conversion at naging pork barrel, dagdag pa ni Fr. Dizon.
Sa balitang lumabas sa CBCP News, sinabi ni Fr. Dizon na ayaw ng pamahalaang alisin ang pork barrel kaya't tuloy ang mga katiwalian.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |