|
||||||||
|
||
Bureau of Immigration, tikom ang bibig sa mga nadakip na Tsino
WALA pang pahayag ang tanggapan ni Bureau of Immigration Officer-In-Charge Siegfred Mison sa kinahinatnan ng 138 mga Tsinong dinakip sa isang itinatayong power plant sa Calaca, Batangas noong nakaraang linggo.
Walang anumang balitang nagmula sa ahensyang sakop ng Kagawaran ng Katarungan hanggang kaninang hapon. Ayon sa sources ng CBCP Online Radio sa Bureau of Immigration, hindi naman dinakip ang mga Tsino bagkos ay inanyayahan lamang upang mabatid ang kanilang katayuan sa Pilipinas.
Idinagdag pa ng source ng CBCP Online Radio na tatlo sa 138 ang nakalabas na. Mayroong pag-uusap ang Bureau of Immigration at ang Embahada ng Tsina sa Maynila tungkol sa katayuan ng kanilang mga mamamayan.
Magugunitang walang naipakitang mga pasaporte at working permit ang mga Tsino na nagtatrabaho sa NEPC Power Plant sa Calaca, Batangas noong nakalipas na linggo. Nabatid na ang NEPC Power Plant ay isang kumpanyang Pilipino.
Sa katanungan kung may posibilidad na mga biktima rin ng human trafficking ang mga Tsino, ayon sa source, pinag-aaralan pa ng Bureau of Immigration ang katayuan ng mga manggagawa. Isang hiwaga ang pagkakaroon ng mga manggagawang banyaga sa Pilipinas ayon sa naunang pahayag ng Trade Union Congress of the Philippines. Unang kinondena noong nakalipas na buwan ng mga unionista ang pagkakaroon ng higit sa 3,000 mga illegal aliens ang nagtatrabaho sa (mga lalawigan ng) Batangas at Bataan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |