Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Aquino, ASEAN mahalaga sa pagkakaroon ng payapang rehiyon

(GMT+08:00) 2013-10-09 18:27:51       CRI
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na mahalaga ang pagtutulungan ng mga bansa sa rehiyon upang makamit ang mas mapayapa at mas maunlad na rehiyon.

Pinuri niya si Sultan Hassanal Bolkiah sa matagumpay at magandang pamumuno sa rehiyon sa taong ito. Layunon ng ASEAN ang pagkakaisa at pagtutulungan.

Umaasa si Pangulong Aquino na magkakaroon ng higit na masiglang pagtutulungan at mas malalim na pagkakaibigan upang matamo ng rehiyon ang tagumpay na kailangan. Umaasa rin siya sa maayos na magaganap sa Myanmar.

Nakiisa ang Pilipinas sa paniniwala na sa pagtutulungan at magandang relasyon magkakaroon ng mas malalim na pagkakaibigan sa pagkakaroon ng iisang komunidad sa taong 2015.

Patuloy na isusulong ng Pilipinas ang micro, small at medium enterprises upang magkaroon ng maayos na kabuhayan ang mga mamamayan. Sumusuporta rin ang Pilipinas sa pagpapatotoo ng ASEAN Strategic Action Plan for SME Development para sa taong 2010-2015. Tutulong din ang pilipinas sa ASEAN-wide Self-Certification Scheme upang sumigla ang MSMEs sa pangrehiyong kalakalan.

Ani Pangulong Aquino, ang mga bansang kalahok sa ASEAN at hindi kalahok sa pangrehiyong samahan, maging claimant on non-claimant ay nagkakasunod sa pagsunod sa "rule of law". Noong 2002 pinagtangkaang magkaroon gn Code of Conduct subalit hindi ito nagtagumpay. Nagkaroon ng guidelines na naging DOC na nangangailangan ng mga makakahulugang pagkilos.

Idinagdag ni Pangulong Aquino na dalawang landas ang tatahakin upang malutas ang hindi pagkakaunawaan sa South China Sea, ito ay ang payapa at ang naaayon sa batas. Una, upang mabawasan ang tensyon, kailangang matapos ang ASEAN-China Code of Conduct. Pangalawa, upang malutas ang 'di pagkakaunawaan, isusulong ng Pilipinas ang arbitration upang maging maliwanag ang maritime entitlements. Ang mga ito ang legally-binding at naaayon sa International Law.

Ikinatuwa niya ang unang opisyal na konsultasyon sa pagitan ng ASEAN at Tsina hinggil sa COC sa Suzhou, Tsina. Umaasa ang Pilipinas na madadali ang pagtatapos ng Code of Conduct.

Nanawagan din si Pangulong Aquino sa buo at epektibong pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea sa lahat ng aspeto nito lalo nasa pagpapanatili ng status quo sa oras ng pagtatapos ng DOC noong 2002.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>