|
||||||||
|
||
Pagdalaw nina Pangulong Xi Jinping at Premier Li Keqiang, bahagi ng diplomasya
NANINIWALA si Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay na bahagi ng pinagtutuunan ng pansin ng Tsina ang diplomasya. Sa isang panayam sa Philippine General Hospital, sinabi ni Ginoong Binay na ang mga pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Indonesia at Malaysia at ang pagdalaw ni Premier Li Keqiang sa Brunei, Thailand at Vietnam ay bahagi ng kanilang diplomatic thrusts.
Pinagtutuunan ng pansin ng Tsina ang diplomasya sa pamamagitan ng mga pagdalaw nina Pangulong Xi Jinping sa Indonesia at Malaysia. Dumadalaw din sa ASEAN si Premier Li Keqiang sa Brunei, Thailand at Vietnam. (Melo Acuna)
Sa katungan kung sa kanya bang tingin ay makabubuti ang pagdalaw ng mga lider ng Tsina sa Pilipinas sa hinaharap, sinabi ni G. Binay na hindi pa naman siya nasasabihan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Nababahala siyang mauwi na naman sa katulad ng naganap sa Zamboanga City na napagbintangan siyang kumilos para sa kanyang sarili.
Sa relasyon ng Tsina at Pilipinas, ayon kay Pangalawang Pangulong Binay ay tanging si Pangulong Aquino ang may tangan ng isyu o problemang iyan.
Dumalaw si Pangalawang Pangulong Binay kay Solaya Dabpagan, ang overseas Filipino worker na nasa coma ngayon sa Philippine General Hospital. Iniuwi siya mula sa Abu Dhabi sa United Arab emirates matapos magkaroon ng stroke noong Setyembre 2011.
Ayon kay G. Binay, tutulong ang pamahalaan sa gastos ng pamilya ni Dabpagan samantalang nasa pagamutan. Ayon sa manggagamot ng PGH, vegetable na ang OFW sa naganap na stroke.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |