|
||||||||
|
||
Mga kampana sa Bataan, sabay-sabay na maririnig sa Biyernes
LALAHOK ang Diyosesis ng Balanga sa Bataan sa pambansang pagdupikal ng mga kampana ng simbahan upang iparating ang pagtuligsa at pagtutol sa pork barrel at sa kasamaang idinudulot nito.
Ayon kay Bishop Ruperto Santos ng Balanga, lahat ng kanilang simbahan ay magpapadupikal ng kanilang mga kampana bilang pagpaparating ng mensaheng nararapat nang buwagin ang pork barrel sapagkat nakasasama ito at nagiging instrument ng katiwalian.
Nararapat lamang gisingin ang mga mambabatas, mga opisyal ng pamahalaan at mga politiko at mamamayan na ang salaping ginamit sa ibang paraan at hindi sa kabutihan ng bayan ay maituturing na pagnanakaw sa kaban ng bansa, dagdag pa ni Bishop Santos.
Mayroong 34 na parokya sa Diyosesis ng Balanga.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |