|
||||||||
|
||
melo/20131017.m4a
|
HANDANG TUMULONG ANG WORLD FOOD PROGRAM. Ito ang tiniyak ni Praveen Agrawal, ang country director ng World Food Program. Nakadalaw na siya sa Bohol at
MAY NAKALAANG PONDO ANG DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT. Magbibigay sila ng hanapbuhay sa mga nawalan ng pinagkakakitaan dahilan sa lindol. Ayon kay Kalihim Rosalinda Dimapilis Baldoz, handa silang makipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan. (Melo Acuna)
PANGALAWANG PANGULONG JEJOMAR C. BINAY, DUMALAW SA CEBU AT
SAMANTALANG mayroon nang 158 katao ang nabalitang nasawi, 374 ang nasugatan sa lindol noong Martes, walang nabalitang banyaga na nasawi o nasugatan sa insidente sa Bohol at Cebu.
Sinabi ni Undersecretary Eduardo Del Rosario ng Department of National Defense na 146 ang nasawi sa Bohol, 11 sa Cebu at isa ang nasawi mula sa Siquijor. Sa mga nasugatan, 188 ang nagmula sa Bohol, 182 ang taga-Cebu, tatlo sa Siquijor, at isa ang nasugatang mula sa Negros Oriental. Idinagdag pa ni Undersecretary del Rosario na 21 ang nawawala at pawang mga taga-Bohol. Mayroon ding tatlo katao ang nailigtas.
Ibinalita ng Department of Public Works and Highways na apat na lansangan ang hindi madaanan dahilan sa landslides, pagguho ng lansangan at bridge approaches. Mayroon ding 18 mga tulay ang hindi madaanan ng mga sasakyan.
Handang tumulong ang World Food Program sa mga nasalanta ng lindol sa Bohol at Cebu. Ayon kay Praveen Agrawal, kinatawan at Country Director ng World Food Program, nakasama sila ni Pangulong Aquino sa pagdalaw sa mga nasalanta sa Bohol at Cebu.
Nakita nila ang pangangailangan sa matitirhan. Nagbigay na sila ng logistical support sa pamahalaan upang mailipat ang 10,000 family food packs at storage facilities sa Bohol.
Ikinagulat niya na tatlong trahedya ang kanilang dinadaluhan. Kailangan umano ang high-fortified biscuits sa mga pook na nasalanta. Mahirap umanong ihambing ang mga trahedyang naganap. Kakaiba ang naganap sa Bohol, isang pulo na nasa gitna ng Kabisayaan na iba't ibang uri ng lupain. Napinsala rin ang bahagi ng national heritage.
Magtatagal bago makabangon at mabalik sa normal ang buhay ng mga biktima. Kailangang magkaroon sila ng lakas ng loob na bumalik sa kanilang mga tahanan. Ang problema ay daan-daang aftershocks na ang nadama ng mga biktima. Dapat suriin kung ilang tahanan ang napinsala. Umaasa si G. Agrawal na makakabalik sa normal ang buhay ng mga mamamayan sa pinakamadaling panahon.
Sa panig ni Secretary Rosalinda Dimapilis Baldoz ng Department of Labor and Employment, naghahanda na ang kanyang tanggapan sa pagbibigay ng food for work o emergency employment para sa mga biktima ng lindol sa Cebu at Bohol. May nakalaan ang DoLE na P 4 milyon para sa pagkakakitaan ng mga nawalan ng hanapbuhay.
Sa posibilidad na lumaganap ang child labor dahilan sa pagkakaroon ng mga kalamidad, sinabi ni Kalihim Baldoz na malaki ang magiging papel ng mga barangay. Sunod-sunod ang krisis na naganap sa bansa tulad ng kaguluhan sa Zamboanga, bagyo sa hilagang Luzon at lindol sa gitnang Pilipinas.
Kailangang mabatid na rin kung anong balak ng mga kumpanya kung magbubukas pa ba ang mga bahay kalakal sa mga nasalantang pook upang mapagplanuhan kung ano ang kanilang ipatutupad na palatuntunan (para sa mga nawalan ng hanapbuhay).
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |