|
||||||||
|
||
Australia at Pilipinas, naglunsad ng Greater Metro Manila risk maps
SA ginawang paglulunsad ng Greater Metro Manila risk maps sa Crowne Plaza Hotel, sinabi ni Director Renato Solidum ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na walang masama sa pagtatayo ng mga gusali na bahagi ng kaunlaran. Ipinaliwanag niya na kung napakabilis ng pag-unlad at mawawalan ng kontrol ang pagtatayo ng mga gusali ng walang pakundangan ay magdudulot ito ng problema. Kailangang masuri ang paggamit ng lupa ng mga nasa pamahalaan tulad ng Metro Manila Development Authority at mga pamahalaang lokal.
Ang lumabas na problema ay mayroong kanya-kanyang palatuntunan ang bawat munisipyo o lungsod. Wala namang poder ang Metro Manila Development Authority sa mga pamahalaang lokal. Mas magandang alamin kung ano ang angkop na gagawin sa mga lupain nasa Metro Manila. Mahalaga rin ang papel ng mga enhinyero sapagkat sila ang pagsasabi kung ano ang kailangan upang mapatibay ang mga gusali at maiwasan ang panganib sa mga mamamayan.
Magkakaroon umano ng 12 katanungan sa may bahay upang mabatid kung ligtas ang mga tahanan o gusali. Gagawin ito ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Binanggit din ni Director Solidum na mayroong mga nagtayo ng kanilang mga tahanan nang walang anumang propesyunal na payo mula sa mga enhinyero.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |