Director Solidum, niliwanag ang isyu ng paglilipat ng epicenter ng lindol
NAGKAROON ng adjustment ang Phivolcs tungkol sa epicenter ng lindol. Matapos ang unang araw na tiniyak muna nilang walang anumang tsunami na magaganap, natanggap ang mga datos mula sa kanilang field offices at sa pagsusuri sa mga pinsalang idinulot ng lindol, naitalaga nila ang epicenter sa bandang hilaga ng Carmen.
Unti-unti na ring nababawasan ang mga aftershocks maliban sa isang malakas-lakas na naganap na pagyanig kaninang umaga. Nanawagan din siya sa madla na maging maingat sa pagpasok sa mga gusaling may pinsala sapagkat baka lumala ang situwasyon sa oras na magkaroon ng pagyanig.
1 2 3 4