Pundamental na prinsipyo ng Aikido na nangangahulugang Pag-aaral, Teknik, at Landas
Kaugnay niyan, isang aktibidad o martial art ang ating nadiskubre. Bagamat hindi ito katutubong martial art ng Tsina, napakaraming mga Tsino ang nag-uumpisang mag-aral nito. Ang tinutukoy nating martial ay ang "Aikido," o ang landas ng mapayapang pamumuhay.
Nabalitaan po natin na patuloy ang pag-angat ng popularidad nito sa Beijing, partikular na sa mga nagtatrabaho o working class, kaya naman tinungo ng ating grupo ang Distrito ng Doncheng, Beijing upang kapanayamin si Sensei William Gillespie, Punong Guro ng Beijing Aikikai.
1 2 3 4 5 6 7