|
||||||||
|
||
Mga nasalanta sa Zamboanga, nararapat mailipat ng matitirhan
MAITUTURING NA COMMUNITY SHUTDOWN ANG NAGANAP SA ZAMBOANGA. Naniniwala si Ricky Juliano, Vice President for Mindanao ng Philippine Chamber of Commerce and Industry ang naganap sa Lungsod ng Zamboanga noong nakalipas na Setyembre. Magtatagal bago makabawi ang mga negosyante at komunidad sa pangyayari, dagdag pa ni G. Juliano. (Melo Acuna)
NANINIWALA si G. Ricky Juliano, VP for Mindanao ng Philippine Chamber of Commerce and Industry na mas malala sa business shutdown ang naganap sa Lungsod ng Zamboanga at maituturing na "community shutdown."
Sa isang panayam, sinabi ni G. Juliano na bagama't nasa tatlong magkakalapit na barangay lamang ang kaguluhan, hindi basta maitataya kung gaano ang nawala sa mga mangangalakal at sa buong lipunan ng lungsod.
Maaari umanong magtagal bago matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa relokasyon o paglilipat sa kanila dahilan maghahanap pa ang pamahalaan ng angkop na matitirhan.
Hindi rin basta maililipat ang mga mamamayan sapagkat may mga hanapbuhay ding nagagawa sa mga barangay na ito bago naganap ang sunog. Bagaman at nagbukas na ang mga bahay-kalakal, magtatagal pa ito bago makabawi.
Sa North Cotabato naman, iisang barangay ang may kaguluhan subalit nasisira na ang imahen ng mga pook tulad ng Maguindanao at Cotabato. Laging nasisira ang pagtingin ng mamamayan bilang investment area sa bawat kaguluhang naitatala sa media, dagdag pa ni Juliano.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |