|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Bilang ng mga nasawi, malapit na sa 5,000
LUMABAS sa pinakaguling balita mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Cnter na umabot na sa 4,015 ang nasawi. Apat ang napagdagdag sa talaan mula noong Miyerkoles na pawang mula sa Occidental Mindoro na biktima ng pagkalunod.
Sa balita mula sa Tacloban Cuty sa Task Force Cadaver, nakatagpo sila ng 77 bangkay kahapon.
Ayon kay Sr. Supt. Pablito Cordeta, umabot na sa 1,755 na labi ang kanilang natagpuan mula ng mangasiwa sila noong Sabado, ika-16 ng Nobyembre.
Binago na ng pamahalaan ang kalakaran sapagkat ang mga punong bayan, health officers ng mga pamahalaang kokal ang magsusumit ng official report bago ibigay ang datos sa NDRRMC.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario, binigyan nila ng deadline kahapon ang mga LGU kaya't umaasa silang makatatanggap ng datos ngayong araw na ito.
Pinakamaraming nasawi mula sa Eastern Visayas na umabot sa 3,725 katao. Ayon pa rin sa datos, may 18,567 ang nasugatan samantalang may 1,602 ang nawawala.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |