|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Pangalawang Pangulong Binay, nagpasalamat sa mga banyagang tumulong sa mga binagyo
PINASALAMATAN ni Pangalawang Pangulong Jejomar C. Binay ang mga banyagang dumating sa Pilipinas at tumulong sa mga nasalanta ng bagyong "Yolanda."
Noong Sabado ay dumalaw siya sa Operation Damayan sa Guiuan, Eastern Samar na pinamumuan ng George Washington Strike Group at ng US 3rd Marine Expeditionary Brigade.
Nakausap niya si Rear Admiral Mark Montgomery, ang commander ng Battle Force 7th Fleet. Sinamahan din si G. Binay ni Admiral Montgomery sa aerial inspection ng mga bayan sa Samar sakay ng MH-60S Seahawk helicopter.
Sa pahayag na inilabas ngayon, ani G. Binay, malaking tulong ang helicopters ng America sa paghahatid ng relief goods sa mga malalayong pook.
Nagkaroon din siya ng pagkakataong makausap ang local officials ng TAcloban upang talakayin ang rehabilitasyon sa pook.
Mga biktima ni Yolanda, lumikas na; pamahalaan, nakiusap sa mga pamahalaang lokal ng Metro Manila
SA patuloy na paglikas ng mga biktika ni "Yolanda" mula sa Tacloban at iba pang bahagi ng Leyte at Samar, karamihan sa kanila ay nakarating na sa Metro Manila.
Ito ang dahilan kaya't nanawagan si Secretary Corazon Juliano Soliman sa mga pamahalaang lokal at mga kalapit na pook na magpatuloy sa pagtulong sa mga apektadong pamilya na lumikas mula sa Silangang Kabisayaan. Nagpapatuloy ang tinaguriang "exodus" ng mga taga-Eastern Visayas sa Maynila at inihahatid sila ng mga volunteers sa kanilang patutunguhan.
Ani Kalihim Soliman, kailangang makaalis nila sa kanilang tinitirhan dahilan sa trauma na kanilang naranasan. Natural lamang ang kanilang pagnanais na makalipat ng matitirhan, dagdag pa niya.
Sa Pasay City, nagtayo na sila ng tent city sa pakikipagtulungan sa DSWD bilang temporary shelter samantalang sa bayan ng Rosario, Cavite, handa silang tumanggap ng ilang pamilya sa kanilang nasasakupan. Nakatitiyak si Kalihim Soliman na magkakaroon ng "impact" ang pagbuhos ng mga nasalanta sa Metro Manila kaya't humihiling siya ng pang-unawa.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |