|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Asobispo Villegas nanawagan sa mga kabataan
MAHALAGA ang papel ng social media sa lipunan. Ito ang sinabi ni Arsobispo Socrates B. Villegas, ang arsobispo ng Lingayen-Dagupan sa Pangasinan na nag-anyaya sa mga kabataang lumahok sa 2nd Catholic Social Media Summit na sisimulan bukas hanggang sa Linggo sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila.
Sinabi niya na may kaukulang inspirasyon mula sa menshae ni Pope Paul VI sa Evangelii Nuniiandi na nararapat mahiya ang Simbahan sa harap ng Panginoon kung hindi magagamit ang media sa ebanghelisasyon.
Umaasa ang arsobispo na gagamitin ng netizens ang social media upang lumago sila sa tunay na pananalangin.
Maraming mga magagaling na magsasalita sa larangan ng social media circles sa pagtitipon. Si Msgr. Paul Tighe, ang Kalihim ng Pontifical Council for Social Communications ang magiging keynote speaker bukas ng umaga.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |