|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga Tsinong manggagamot, dumating na
NAGSIMULA ng dumating ang mga manggagamot mula sa Tsina. Unang dumating ang isang koponan ng higit sa 50 manggagamot at narses sa Cebu maghahating-gabi kagabi. Dala nila ang anim na toneladang medical supplies. Magtutungo sila sa Baybay, Leyte ngayong gabi at magtatayo ng kanilang mga klinika at magsisimulang manggamot.
Ayon kay Zhang Hua, tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, isang medical tem ng Red Cross Society of China ang darating sa Cebu ngayon at makakasama ng isa pang koponang binubuo ng 19 kataong mula sa RCSC upang magtungo sa Palo, Leyte. Wala pa umanong international medical tems doon. May mga karanasan na sila sa disaster medicine sapagkat naglingkod na sila sa nilindol na lalawigan ng Sichuan noong 2008 at sa tsunaming tumama sa Indonesia noong 2004.
Nagtungo si Chinese Ambassador Ma Keqing sa Cebu upang kausapin ang mga bumubuo ng medical teams. Pinakiusapan niya ang mga manggagamot na iparating ang pagmamagandang-loob ng mga Tsino sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagliligtas ng buhay sa kapahamakan at maging mga tulay sa pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Dumalaw din si Gng. Zhao Baige, pangalawang pangulo ng Chinese Red Cross at Vice President ng International Red Cross at Red Crescent Societies kagabi upang lumahok sa Typhoon Yolanda movement na itinataguyod ng International Societies.
Kanina'y nakaharap niya ang mga mamamahayag at binanggit ang tulong ng Red Cross Society of China at nakibahagi ng mga karanasan sa post-disaster at rehabilitation work. Ang Philippine Red Cross ay dadalaw sa Sichuan upang mabatid ang kanilang ginawa sa napinsalang pook. Magaganap ito sa susunod na taon. Nakatakda rin siyang dumalaw sa Central Philippines sa mga susunod na araw.
Darating na rin ang Peace Ark Hospital Ship sa Central Philippines sa Lunes, ika-25 ng Nobyembre matapos umalis sa Shanghai kahapon.
| ||||
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |