![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
European Union, kumikilos upang maibsan ang child prostitution
MAY mga palatuntunang ipinatutupad ang European Union upang mabawasan at mapigil ang child prostitution sa Pilipinas lalo na sa mga pook na lubhang napinsala ng nakalipas na bagyo.
Isang human rights issue ang child prostitution hindi lamang sa Pilipinas at ang mga tumatangkilik ng child prostitutes ay mula sa mauunlad na bansa, tulad ng mga nasa Europa.
Ayon kay Dr. Julian Vasallo, Political Officer ng European Union sa Pilipinas, lahat ng mga bansa sa Europa ay binigyan ng deadline na gawing exceptional crimes ang sexual tourism at child prostitution sa kanilang mga batas. Nangangahulugan na ang mga bansa sa European Union na papanagutin ang kanilang mga mamamayan sa paglabag sa batas kahit pa sa Pilipinas naganap ang krimen. Mabibilanggo ang mga mapapatunayang nagkasala ng hindi bababa sa sampung taon.
Ginagawa nila ang lahat upang mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng child prostitution at trafficking sa laki ng salaping kanilang inaambag upang maibalik sa normal ang buhay ng mga biktima ng lindol ng ng bagyo.
Sa dami ng mga naghahanapbuhay na Pilipino sa Europa, nadarama ng kanilang pinaglilingkuran ang hirap ng mga Pilipinong narses, yaya at iba pang mga manggagawa na may mga kamag-anak na nabiktima ng mga trahedya sa nakalipas na ilang buwan.
Maraming mga taga-Europa ang pinaglingkuran ng mga Pilipinong propesyunal at manggagawa na nakikiisa sa pagbusok na kinakaharap ng mga mamamayan. Ito, ayon kay Dr. Vasallo, ang dahilan kaya't nakagugulat ang laki ng iniaambag ng mga samahang sibiko at ng mga pamahalaan sa pagtulong sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |