![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Pagkain, tubig at matitirhan, kailangan pa rin ng mga taga-Eastern Samar
NANAWAGAN si Borongan, Eastern Samar Bishop Crispin Varquez sa madla na ipagpatuloy ang pagtulong sa kanilang mga mamamayan.
Sa panayam ng CBCP Online Radio, sinabi ni Bishop Varquez na 247 katao ang nasawi at may 22 ang nawawala na pinangangambahang namatay na rin sa paghagupit ni "Yolanda" may tatlong linggo na ang nakararaan.
Nakapaghanda sila ng relief goods bago sumapit ang bagyo at napakinabangan naman ang mga ito liban sa 70,000 sako ng bigas sa National Food Authority warehouse sa Guiuan na nawasak ni "Yolanda."
Nagpasalamat siya sa mga tumulong sa kanila tulad ng Obispo ng Taichung na nagpadala ng US $ 30,000 at mga relief goods na nagkakahalaga ng P 1 milyon. Umaasa silang madadala na ito sa kanilang pook mula sa Cebu.
Kailangan pa rin ang pagkain, tubig at matitirhan ng mga biktima ni "Yolanda" sa kanyang nasasakupan, dagdag pa ni Bishop Varquez.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |