![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Maaasahan ang mga programa ng pamahalaan
KAILANGANG tulungan ng pamahalaan ang mga magsasakang makapagtanim ayon sa planting calendar. Mayroon na ring programa ang pamahalaan tulad ng mga bangko, mayroong temporary relief measures upang maiwasan ang matinding dagok ng pinsalang dulot ng bagyo.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco sa kanyang pagharap sa Foreign Correspondents Association of the Philippines, umaasa siyang sa kanilang pagbibigay ng kaluwagan sa mga bangko ay luluwagan din nila ang kanilang pagtrato sa mga magsasakang kliyente nila.
Magkaiba ang larawan ng mga rural bank sa Region VIII, may matinding naapektuhan ay mayroong hindi gasinong napinsala. Mayroong 60 araw na moratorium sa pagbabayad ng rediscounting loans ng mga bangkong apektado ng bagyo.
Sa kabilang dako, sinabi rin ni Governor Tetangco na hindi nagbabago ang kanilang projection sa paglago ng foreign remittances para sa taong ito at nananatili ito sa 5%. Karaniwang karanasan ng bansa na kung magkakaroon ng anumang trahedya ay tataas ang padala ng mga manggagawang nasa ibang bansa upang tulungan ang kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.
Sa pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa Tsina, sinabi ni Gobernador Tetangco na tuloy ang kalakalan at investments ng dalawang bansa. Kung magpapatuloy ang magandang takbo ng ekonomiya ng Tsina, tiyak na magiging maganda ang exports ng Pilipinas sa ikalawa sa pinakamalaking ekonomiya sa daigdig.
Sa kanyang reaksyon kung may epekto ang kalakalan ng dalawang bansa dahilan sa sinabing tensyon sa South China Sea, naniniwala si Gobernador Tetangco na maganda pa rin ang datos hanggang ngayon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |