Alert Level sa Ehipto, ibinaba na
MULA sa Alert Level 3 ay Alert Level 2 na ang ipinatutupad sa Ehipto ayon sa pag-aaral at desisyon ni Kalihim Albert Del Rosario ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas dahilan sa bumubuting situwasyon sa larangan ng politika at seguridad.
Mula sa Voluntary Repatriation ay nasa ilalim na ng Restriction Phase ang Ehipto. Ang Alert Level 2 ay inilalabas kung mayroong peligro sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Pilipino mula sa kaguluhang pangloob o mula sa peligro sa labas ng bansa. Sa ilalim ng Alert Level 2, ang papayagan ng Department of Labor and Employment ang mga manggagawang may kontratang makabalik sa bansang pinagmulan. Papayagan din ang grupo ng mga OFW sa ilalim ng special circumstances sa kanilang pinaglilingkuran.
Hanggang noong Linggo, ika-17 ng Nobyembre, 2013, mayroong 168 mga Pilipino sa Ehiptong nakabalik sa Pilipinas.
Tuloy pa rin ang Embahada ng Pilipinas sa Cairo sa pagtulong sa may 6,000 mga Pilipinong nasa Ehipto.
1 2 3 4 5