Senate President Drilon, tinanggap si American Ambassador Philip Goldberg
PINASALAMATAN ni Senate President Franklin M. Drilon ang Pamahalaan ng Estados Unidos sa ipinadalang tulong na aabot sa US $ 52 milyon sa relief operations para sa mga biktima ni "Yolanda." Ito ang kanyang pahayag sa pagdalaw at pagbibigay-galang ni US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.
Idinagdag ni Senador Drilon na pinag-usapan din nila ang rehabilitasyon ng mga apektadong pook at kung paano makatutugon sa mga trahedyang nagaganap sa bansa. Pinag-aaralan umano nila ang pagkakaroon ng isang lupon na kilala sa pangalang Federal Emergency Management Agency sapagkat nagkaroon ng malaking pagbabago mula ng tumama ang buhawing si Katrina sa Estados Unidos.
1 2 3 4 5 6