|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga dalubhasa sa maritime issues, naipon sa Maynila ngayon
PAGSUSURI SA MAHAHALGANG ISYU, KAILANGAN. Ipinaliwanag ni dating Senate President Edgardo J. Angara ang kahalagahan ng pagpapalitan ng mga pananaw sa mahahalagang isyu tulad ng maritime disputes sa South China Sea. Ito ang kanyang mensahe sa press briefing sa gitna ng presentations ng mga dalubhasa sa international law at dispute settlement. (Melo Acuna)
NAGSAMA-SAMA ang mga dalubhasa sa larangan ng maritime issues sa isang pagtitipon na binuo ng Angara Centre for Law and Economics upang suriin ang mahahalagang isyu upang malutas ang mga 'di pagkakaunawaan sa karagatan at makapagbigay ng kanilang mga rekomendasyon sa mga pinuno ng Pilipinas.
Ginanap ang pagtitipon at talakayan na pinamagatang "What is to Be Done? Resolving Maritime Disputes in Southeast Asia" sa Marriot Hotel na itinaguyod ng Asia United Bank.
Nagbigay ng kani-kanilang mga pananaw sina Donald Emmerson ng Stanford University, Shen Dingli ng Fudan University ng Tsina, Ian Storey ng Institute of Southeast Asian Studies sa Singapore, Yoichiro Sato ng Ritsumeikan Asia Pacific University sa Japan at Professor Harry Roque ng Pamantasan ng Pilipinas at naging moderator si John Nye, Angara Centre Executive Director na nagmula sa George Mason University. Inaantabayanan ang pagdating ni Dr. Shen Dingli ng Fudan University ng Tsina matapos makansela ang kanyang biyahe kagabi.
Ani G. Angara, dating Senate President, Pangulo ng Pamantasan ng Pilipinas at maging ng Integrated Bar of the Philippines, ang mga isyu ay nararapat talakayin ng walang politika, pinapanigan at hindi kailanman kailangang maging confrontational.
Sa kanyang keynote address, sinabi ni G. Angara na kahit si Senior Supreme Court Associate Justice Antonio T. Carpio ay naniniwalang nararapat malutas ang mga 'di pagkakaunawaan sa South China Sea sapagkat isang malaking problemang kakaharapin ng bansa ang bagay na ito sa mga susunod na henerasyon.
Sinabi naman ni G. Storey na bukod pinaniniwalaang langis at petrolyong nasa ilalim ng karagatan, sampung porsiyento (10%) ng produksyon ng isda sa daigdig ay nagmumula sa South China Sea. Iminungkahi niya na pag-usapan ng masinsinan ng stakeholders ang mga isyu upang mangyari ang naganap sa Artic Circle.
Naniniwala naman si Dr. Yoichiro Sato na pipilitin ng Japan na manataling nagkakaisa ang ASEAN sa halip ng maghiwa-hiwalay ang mga bansa sa timog-silangang Asia. Ito ang kanyang reaksyon sa katanungan kung ano ang maaaring pag-usapan ng Japan at ASEAN sa susunod na linggo sa Tokyo.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |