|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Private sector, hinilingang magbigay ng trabaho
MAKAGAGAWA ng hanggang apat na milyong hanapbuhay sa loob ng sampung taon kung ang pamahalaan ay tutulong sa investors na buhaying muli ang labor-intensive factories bilang karagdagan sa high-value manufacturing sa panahong kailangang magkaroon ng trahabo sa maraming bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa kanilang position paper na pinamagatang "Manufacturing: Creating Million of Better Jobs," 19 na foreign at local chambers, mga samahan ng mga mangangalakal at industry associations ang naglabas ng dalawang paraan sa pamamagitan ng mga bagong economic zones, relaxed labor policies at increased training para sa low o high-value manufacturing upang madoble ang mga manggagawang mula sa 7.5 milyon at makadagdag sa Gross Domestic Product na halos 30% sa taong 2022. Ang sektor ay kinakitaan ng 3.4 milyong hanapbuhay at 21% GDP share.
Ayon sa policy brief, ang Indonesia, Malaysia, Thailand at Vietnam ay nakapaglalabas ng dalawa o apat na ulit kaysa exports ng Pilipinas at pawang mayroong industrial sector na higit sa 40% ng ekonomiya kaya't ang industriya at manufacturing ang pinaka gulugod ng kanilang kaunlaran.
Sinabi ni John Forbes, Senior Advisor ng American Chamber of Commerce na ang high-value manufacturing ay mangangalangan ng higit na capital at mahihirapang magkaroon ng mas maraming manggagawa kaysa sa labor-intensive manufacturing.
Ayon kay Henry Schumacher, external affairs vice president ng European Chamber, ang low-cost, labor-intensive manufacturing ay maaaring makamtan sa pagkain, damit, sapatos at paggawa ng mga muebles at kailangang magkaroon ng Domestic/Export Enterpriser Zones sa mga non-industrialized areas. Kailangan ding buhayin ang apprenticeship program para sa mga nagtapos ng high school.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |