|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Mga kabataang Swiso, magsasalita sa pulong sa Baguio City
DARATING sa Pilipinas at magtutungo sa Baguio City sa darating na ika-27 ng Disyembre ang mga kabataan mula sa Jungwacht Blauring ng Switzerland at dadalo sa Leaders' Training Course ng Chiro Pilipinas. Magtatagal ang pagsasanay hanggang sa ika-30 ng Disyembre.
Ayon kay Jonie Molina, assistant training committee head, ang dalawang kabataan ay trainers sa JuBla at mangangasiwa sa ibang mga sesyon sa pagsasanay.
Ang pagsasanay ay para sa mga lider ng Chiron a nagtapos ng Aspirant Training Course. Mula pito hanggang 18 taong gulang ang mga lalahok.
Kabilang sa mga paksa ang iba't ibang antas ng faith development, contacts sa mga magulang ng mga kasapi at mga karapatan ng bata, social media at iba pa.
Umaasa silang magkakaroon ng mga 50 kalahok mula sa iba't ibang bahagi ng Luzon sa pagsasanay.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |