|
||||||||
|
||
Dalawa katao, tinamaan ng ligaw na bala
DALAWANG lalaki ang tinamaan ng ligaw na bala sa hiwalay na insidente. Ito ang impormasyong lumabas sa mga media outlet sa Maynila.
Ayon kay Department of Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, isang 23-taong gulang na lalaki ang tinamaan ng ligaw na bala sa kanyang kaliwang hita kahapon sa Ormoc City. Siya ang kauna-unahang biktima ng ligaw na bala sa pagdiriwang ng Pasko at paghahanda sa Bagong Taon.
Samantala, isang 60-taong gulang na lalaki ang tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang binti sa Cavite.
May 42 kaso ng pagkakasugat dahilan sa mga paputok. Isang isang taong gulang na batang lalaki ang nakalunok ng paputok samantalang isang matanda ang nawalan ng paningin dahilan sa 'di malamang paputok.
Problemang malaki pa rin ang mga pagpapaputok ng baril sa bawat pagdiriwang sa Pilipinas. Hindi rin masawata ang walang pakundangang paggamit ng mga paputok.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |