|
||||||||
|
||
131219melo.m4a
|
HINDI naniniwala ang Malacanang na kailangang baguhin ang Saligang Batas taliwas na pagkilos ng ilang mambabatas.
Sa isang briefing, sinabi ni Secretary Herminio "Sonny" Coloma na bagama't iginagalang ng Ehekutibo ang paninindigan ng Lehislatura, nanatili ang paninindigan ng Ehekutibo na prayoridad nilang mapa-unlad ang kalagayan ng mga mamamayan.
Sa isang press briefing, sinabi ni G. Coloma na sa isang pakikipag-usap sa mga mamamahayag ni Pangulong Aquino samantalang nasa Timog Korea, na hindi kailangang baguhin ang Saligang Batas. Hindi pa umano nagbabago ang paninindigang ito.
Hindi umano sagabal ang economic restrictions na napapaloob sa Saligang Batas sa pagpasok ng foreign investments.
Ani G. Coloma, abala ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga nilalaman ng Philippine Development Plan na dahilan ng magandang growth rates sa nakalipas na ilang taon.
Nabalitang prayoridad ng Mababang Kapulungan na magkaroon ng mga pagbabago sa Saligang Batas sa susunod na taon.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |