|
||||||||
|
||
Apostolic Nuncio, nagmisa sa wasak na katedral at simbahan
"PANUNULUYAN," ISINADULA. Kabilang sa mga tradisyong Pilipino ang "Panunuluyan", ang pagsasadula ng paghahanap ng masisilungan ni Maria at Jose upang isilang ang Mesiyas. Isinasadula ang tagpong ito bago idaos ang pagdiriwang ng Misa. Ginawa na naman ito kagabi sa St. John Ma. Vianney Church sa Antipolo City. (Jhun Dantes)
PAMI-PAMILYA, DUMALO SA MISA NG KAPASKUHAN. Mga mamamayan mula sa iba't ibang antas ng lipunan ang natipon sa St. John Ma. Vianney Church sa Antipolo City kagabi. Bahagi na ito ng tradisyon ng mga Pilipinong sa mga nakalipas na daang taon. (Jhun Dantes)
DUMALAW at nagmisa ang kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas Arsobispo Guiseppe Pinto sa Tacloban City at namuno sa misa sa Simbahan ng Santo Nino kaninang ikasampu ng umaga. Ang simbahan ang isa sa pinakanapinsala ng bagyong "Haiyan" noong ikawalo ng Nobyembre,
Sa kanyang homiliya, sinabi ni Arsobispo Pinto na mahal ni Papa Francisco ang mga nasalanta ng bagyo at laging kasama sa kanyang mga panalangin.
Isang karangalan umano na iparating niya ang pakikiisa ng Kanyang Kabanalan, Pope Francis sa mga biktima ng bagyo. Wala pa halos sampung minuto ang kanyang homiliya sa loob ng inulang simbahan, ang kinikilalang "ground zero" ng bagyong "Yolanda."
Magugunitang higit sa 6,000 katao ang nasawi samantalang may 2,000 katao ang nawawala.
Sa pagharap ni Pope Francis sa mga mananampalataya noong ika-21 ng Nobyembre, sinabi niyang lubhang napakabigat ng pagsubok (sa mga binagyo) subalit nadarama niyang malalim ang pananampalataya ng mga Pilipino.
Ani Arsobispo Pinto, ang pagdiriwang ng Pasko ay isang pagtiyak na kasama ng mga mamamayan ang Panginoong Diyos. Halos isang libo katao ang dumalo sa Misa.
Nagmisa rin siya sa Katedral ng Palo nakilala sa pangalang Our Lady of the Transfiguration at sinamahan ni Arsobispo John Du at ilang mga pari noong Bisperas ng Pasko. Dumalaw siya sa Tacloban kahapon at bumalik sa Maynila kanina.
Dumalaw din siya sa Redemptorist Church at San Jose Church na kapwa nasa Tacloban City.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |