|
||||||||
|
||
melo
|
WALANG papayagang manggagawang Pilipino na magtungo sa South Sudan. Ito ang pahayag ni Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, chairperson ng Philippine Overseas Employment Administration. Ipatutupad na ang total deployment ban sa mga manggagawang Pilipino dahil sa kaguluhang nagaganap sa bansa.
Lubhang mapanganib na magtrabaho sa South Sudan. Ang South Sudan ang pinakabagong bansa sa daigdig.
Ani Kalihim Baldoz, inilabas ng lupon ang Governing Board Resolution No. 14 Series of 2013 na nagbabawal ng pagpoproseso at pagpapadala ng lahat ng overseas Filipino workers kahit mga bagong manggagawa o may mga bagong kontrata. Lumagda ang lahat ng mga kasapi ng governing board.
Idinagdag ni Kalihim Baldoz na inilabas nila ang resolusyon noong Martes matapos itaas ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang crisis level alert sa South Sudan at naging Alert Level 3 dahilan sa lumalalang situwasyon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |