|
||||||||
|
||
Higit sa 20,000 manggagawa, kalahok na sa emergency employment
IPINATUTUPAD na ang emergency employment program para sa higit sa 20,000 mga manggagawang nawalan ng pagkakakitaan dala ng bagyong "Yolanda". Ang mga manggagawang nabigyan ng hanapbuhay ay tutulong na maiayos ang kanilang mga komunidad upang magkaroon ng makatao at ligtas na mga hanapbuhay.
Ayon sa International Labor Organization, pagkakataon na ito upang marating ang mga manggagawang nangangailangan ng trabaho.
Ipinaliwanag ni ILO Country Director Lawrence Jeff Johnson na malaking tulong ito para sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya. Higit sa 100,000 katao na ang nabiyayaan sa pagtatapos ng taong 2013.
Kasama ng ILO ang Department of Labor and Employment at Department of Social Welfare and Development upang matiyak na maipatutupad ang mga patrabaho mula sa unang araw sa mga pook na malubhang naponsala ng super typhoon.
Ayon sa ILO, sa oras na makasama ang mga pamahalaang lokal, tiyak na mas marami ang makikinabang, lalo't higit sa pagbangong muli ng ekonomiya.
Ginamit na ang estratehiyang ito sa mga bansang Cambodia, Indonesia, Sri Lanka at Timor Leste upang matulungan ang mga pinaka-apektado sa mga krisis at trahedya.
SA 5.9 milyong manggagawang apektado ni "Yolanda", 2.6 milyon ang nasa mga delikadong hanapbuhay at halos nasa poverty line bago pa man tumama ang super-typhoon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |