|
||||||||
|
||
Pinsala ba o biyaya ang pagkakaroon ng biofuels?
ISANG mambabatas ang nanawagan sa House Committee on Energy na alamin kung ano ang epekto at katuturan ng Biofuels Act of 2006 at ang pagkakaroon ng iba't ibang pagkukunan ng enerhiya dahilan sa mga pahayag na nakasasama sa food security ang pagkakaroon ng biofuels.
Hiniling ni Congresswoman Sharon Garin, isang party list lawmaker, sa pamamagitan ng kanyang House Resolution 400, na mayroong pangangailangan ng pagsusuri sa pahayag ng mga kilalang siyentipiko, mga dalubhasa at mga samahang pandaigdig na nakasasama ang biofuels sa food security.
Kahit umano maganda ang layunin ng Biofuels Program, dapat ding bigyang halaga ang food production. Ang kailangan ay balanseng pagtingin sa mga pangangailangan ng bansa at mga mamamayan.
Idinagdag pa ng mambabatas na may mga pag-aaral na nasasabing may mga halaman, puno at mga basura mula sa pagsasaka ang magagamit para sa biofuels expansion.
May sapat na poder ang National Biofuels Board na alamin ang pagkakaroon ng minimum 10% blend ng ethanol sa lahat ng gasolinang ipamamahagi sa buong bansa mula ng magkabisa ang Biofuels Act of 2006 at maipadala sa Department of Energy upang maipatupad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |