Ang 2013 ay naging taon ng lungkot at ligaya para sa ating mga Pilipino. Ito ay naging taon ng lungkot dahil sa panahong ito, medyo umasim ang pag-uugnayan ng mga pamahalaan ng Pilipinas at Tsina, dinaanan tayo ng pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan ng mundo, nilindol ang Bohol at Cebu, na-expose ang mga kabulastugang ginagawa ng ilang mga kongresista't senador, at marami pang iba.
Pero, siyempre hindi lang puro lungkot at problema ang inihatid ng 2013, nagdulot din ito ng ginhawa. Sa taong ito, nagkasundo ang pamahalaan ng Pilipinas at MILF upang gawin ang pangmatagalang roadmap para sa kapayapaan sa Mindanao, patuloy na tumaas ang GDP ng Pilipinas, tumaas ang credit rating ng Pilipinas, kasama na ang pagtaas ng katayuan ng bansa sa pandaigdigang arena ng pagnenegosyo, at marami pang iba.
Naging saksi po ang Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI) sa mga pangyayaring iyan. Kaya naman, para sa gabing ito, nais po naming ihatid muli sa inyo ang 5 mga pangyayaring iniulat ng Serbisyo Filipino na naging bahagi ng mga importanteng kaganapan noong 2013.
1 2 3 4 5 6