Noong nakaraang lingo ay idinaos dito sa Beijing ang dalawang araw na "Philippine Tourism Show." Ito ay naglalayong ipakilala ang iba't ibang disenyo ng kasuotang Pinoy at isulong ang turismo ng Pilipinas.
Sa tulong ng Pasuguan ng Pilipinas sa Beijing at Kagawaran ng Turismo ng Pilipinas, idinaos ng tanyag na fashion designer na si Renee Salud ang fashion show na ito.
Sa pakikipag-usap ng Serbisyo Filipino kay Mama Renee Salud, sinabi niyang ang palabas na ito ay para ipakilala ang Kulturang Pilipino sa mga Tsino sa pamamagitan ng moda o fashion.
Sina Emma(kaliwa), Lou(gitna), atJustine(kanan) habang nasa isang fashion show sa Wangfujing, Beijing
1 2 3