|
||||||||
|
||
20131219ditorhio.m4a
|
Ang papel ay naimbento ni Cai Lun, isang iskolar ng Silangang Dinastiyang Han noong 105AD. Ito ang nagbigay-daan upang magkaroon ng malaking pagbabago sa paraan ng pagsulat at pakikipagkomunikasyon ng sangkatauhan.
Ito rin ang dahilan sa pag-unlad ng sibilisasyong Tsino, sibilisayong Ehipto, sibilisayong Griyego, Imperyong Romano, at marami pang iba. Sa madaling salita, ang papel ang dahilan kung bakit narating ng sangkatauhan ang maraming pag-unlad, kasama na ang siyensiya't teknolohiya, agham, sining, astronomiya, heograpiya, etc.
Talagang napakahalaga ng papel na ginagampanan ng papel sa ating pamumuhay ano po? Na-imagine na po ba ninyo kung biglang mawawala ang papel sa buhay natin?
Pero, maliban sa ating mga nabanggit, alam po ba ninyo na dito sa Tsina, mayroon pang isang kilalang-kilalang larangan kung saan ginagamit ang papel? Heto po ang clue: hindi ito kaligrapiya at hindi rin ito paper folding, pero gumagamit ng gunting. Ito po ang paper cutting o Traditional Chinese Paper Cutting.
Ang Traditional Chinese Paper Cutting ay makikita sa maraming lugar sa Tsina, lalo na kapag panahon ng Spring Festival. Idinidikit ito sa mga bintana, mga pinto o mesa para magkaroon ng atmosperang pangkapistahan.
Ayon sa mga aklat pangkasaysayan, ginamit ng mga kababaihan noong Tang Dynasty ang mga paper cut bilang palamuti sa buhok. Noong Song Dynasty naman, ito'y pandekorasyon sa mga regalo. Idinidikit ito ng mga tao sa mga bintana, pinto, o ginagamit na pandekorasyon sa mga dingding, salamin, at ginagamit din bilang isang uri ng parol.
Ang mga paper cutting ay pawang ginagawa sa pamamagitan ng kamay. Ito'y maaring isang piraso o maraming piraso ng papel. Ang mga simpleng disenyo ay maaring gawin sa pamamagitan ng kutsilyo o gunting. Para sa mga komplikadong disenyo, idinidikit muna ang mga ito sa papel at pagkatapos ay ginagamitan ng iba't ibang klase ng kutsilyo, para hindi ito masira.
Ang paper cut ay may ibat-ibang paksa, mula sa mga bulaklak, ibon, hayop, tao sa alamat, tauhan ng mga klasikong nobela, hanggang sa make-up sa mukha ng mga tauhan sa Peking Opera. Ibat-iba ang estilo ng paper cutting sa iba't ibang lugar ng Tsina.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mga pabrika at samahan para sa paper cutting. Malaki na rin ang pinagbago nito mula noong sinaunang panahon, mula pandekorasyon, sa pagiging isang uri ng sining. Kasabay nito, ang paper cutting ay nagsimula na ring makilala sa mga cartnoon, magasin, mga programang pantelibisyon, etc.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |