Mahigit 30 taon na ang nakakalipas nang buksan ang Tsina sa labas, at magmula noon, napakarami ang nangyaring pagbabago. Pumasok ang mga dayuhang puhunan, dumami ang mga pribadong negosyo, nagkaroon ng kamangha-manghang pag-unlad ang ekonomiya ng Tsina, naitayo ang mga nagtataasang gusali sa lahat ng sulok ng Beijing, maari nang bilhin sa Tsina ang mga imported na produkto, naging mas madali ang paglabas ng mga Tsino at pagpasok ng mga dayuhan sa bansa, at marami pang iba.
Ngunit, kaakibat ng maraming pagbabago, modernisasyon, at pagpupunyaging makamit ang "Chinese Dream," unti-unti ring nagbago ang uri ng pamumuhay ng mga mamamayan. Ang dating mabagal at tahimik na buhay ng mga Tsino, ngayon ay isa nang mabilis at aktibong uri ng pamumuhay.
Dati, ang mga mamamayan ay nakatira sa mga sambahayang kung tawagin ay "hutong," ngayon, sa mga nagtataasang gusali at condominium na sila nakatira. Kasabay nito, nagbago rin ang pakikisalamuha ng mga tao sa isat-isa.
Sa lahat ng pagbabagong nangyari at patuloy pang nangyayari sa Tsina, ang mga "hutong" na siguro ang pinaka-apektado, kasama na ang uri ng pamumuhay ng mga taong minsan ay tumira sa mga ito.
1 2 3 4