|
||||||||
|
||
melo
|
MAYROONG inilaang 60,000 permanent housing units sa mga nakaligtas sa bagyong "Yolanda" sa anim na rehiyon sa 14 na lalawigan, 171 lungsod at bayan. Ito ang tiniyak ni Vice President Jejomar C. Binay.
Si G. Binay ang pinuno ng Housing and Urban Development Coordinating Council. Ayon sa pangalawang pangulo, ang groundbreaking ceremonies ay gagawin sa walong project sites sa Leyte at Eastern Samar ngayong Enero.
Ang mga tahanan na itatayo ng National Housing Authority ang magiging permanent homes para sa mga nakaligtas at itatayo sa permanent relocation sites.
Ani G. Binay, ang mga itinatayong bunkhouses ng Department of Public Works and Highways ay pawang temporary shelters. Inaalam pa ng NHA ang bilang ng mga partially at totally damaged houses, ang bilang ng mga pamilyang kailangang sumailalim sa relokasyon at inaalam din ang potential resettlement sites.
May salaping inilaan ang Home Mutual Development Fund o Pag-Ibig Fund ang P 5.5 bilyon para sa mga pabahay sa 22 apektadong lugar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |