|
||||||||
|
||
Mga Pilipino sa Malaysia pinaalalahanan
PINAALALAHANAN ng Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ang mga Pilipinong ayusin ang kanilang mga dokumento at laging magdadala ng sapat na identification documents dahilan sa crackdown ng pamahalaan sa mga walang pahintulot na manatili sa bansa mula ika-21 ng Enero.
Ayon kay Philippine Ambassador to Malaysia Eduardo J. Malaya, mas makabubuting sumunod sa mga alituntunin upang huwag mapahamak. Laging dadalhin ang pasaporte na may balidong visa.
Hiniling din siya sa mga employer na ibigay ang mga pasaporte at iba pang identification documents sa kanilang mga kawaning Pilipino upang manatiling ligtas.
Ang mga walang dokumento ay nararapat nang bumalik sa Pilipinas. Ang kusang-loob na aalis ng Malaysia ay 'di na ipagsasakdal subalit magbabayad ng multa.
Ang mga madarakip ay mabibilanggo samantalang sumasailalim ng deportation proceedings at isasailalim sa fingerprint registration upang hindi na makabalik pang muli sa Malaysia na gamit ang ibang pangalan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |