|
||||||||
|
||
Pagkakahirang kay Arsobispo Quevedo bilang cardinal, makakatulong sa kapayapaan sa Mindanao
HIGIT umanong susulong ang kapayapaan sa Mindanao sa pagkakahirang kay Arsobispo Orlando Beltran Quevedo sa College of Cardinals. Ito ang pahayag ng Moro Islamic Liberation Front.
Naalala pa ni Mohaquer Iqbal noong kainitan ng labanan ng pamahalaan at MILF na naging neutral at nabigyan pa ng access sa mga roadblock ng militar at mga rebelde noong 2001.
Ang mga mamamahayag noon ay 'di nabigyan ng access kung saan naroon si Arsobispo Quevedo at ilang mga naglalakbay. Pinatunayan ng Moro Islamic Liberation Front ang kanilang paggalang sa mga religious leaders kahit anong pananampalataya pa ang kanilang kinabibilangan.
Ani Vice Chairman Ghazali Jaafar, umaasa siyang sa pagkakahirang kay Cardinal Quevedo, tiyak na lalaki ang kanyang magagawa upang magkasama ang mga Muslim at mga Kristiyano sa Gitnang Mindanao.
Sa mga panayam ng mga mamamahayag, sinabi ng bagong hirang na cardinal na nagpapasalamat siya kay Pope Francis sa pagkilala sa mga pangangailangan ng mga mananampalataya sa Mindanao.
Hindi umano nakakaligtaan ni Arsobispo Quevedo ang pananalangin ng payapang pagtatapos ng pag-uusap ng pamahalaan at MILF. Aktibo siya sa kanyang suporta sa 17 taong negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at MILF.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |