Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

2014National Housing Authority, maglalaan ng 20,000 taun-taon sa mga biktima ni "Yolanda"

(GMT+08:00) 2014-01-16 18:27:06       CRI

Malacanang, nanawagan sa mga Pilipinong makiisa sa National Day of Prayer

INANYAYAHAN ng Malacanang ang mga mamamayang samahan si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa kanyang pamumuno sa bansa sa National Day of Prayer and Solidarity upang alalahanin ang mga nasawi sa mga nakalipas na trahedya noong 2013 at magpasalamat sa Diyos para sa katatagan ng bansa at mga mamamayan.

Hihilingin din niya ang paggabay ng Panginoon sa bansa upang maisaayos ang mga napinsalang mga pook at kabuhayan.

Ginawa ni Communications Secretary Herminio Coloma ang paanyaya sa isang press briefing sa Malacanang kanina.

Ayon kay G. Coloma, may temang "One Nation in Prayer" ang lalahukan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagdarasal sa kanilang mga tahanan, komunidad, pook ng hanapbuhay at mga simbahan sa darating na Lunes, ika-20 ng Enero. Pinasalamatan din niya ang mga bumubuo ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.

Kabilang sa mga inaasahang dadala ang mga kinatawan ng mga nasa Zamboanga, mga biktima ng lindol, mga biktima ni "Yolanda" at makakasama sina Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle, Police Supt. Imam Ebra Moxsir ng Imam Council of the Philippines, Commissioner Zenaida Pawid ng National Commission on Indigenous Peoples, Isias Samson ng Iglesia ni Cristo at kinatawan ng Philippine Council of Evangelical Churches.

Inanyayahan din ang mga kinatawan ng Kongreso, mga opisyal ng pamahalaan at mga nasa civil society groups.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>