Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Iba't ibang bansa, Makati Business Club, natuwa sa kasunduan ng MILF at Pamahalaan ng Pilipinas

(GMT+08:00) 2014-01-29 17:33:25       CRI

BUMATI ang iba't ibang bansa sa naganap na paglagda sa pinakahuling annex na magpapatibay sa kasunduan ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front sa Kuala Lumpur.

Ayon kay Zhang Hua, tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, isang magandang hakbang ito tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng Mindanao. Sa isang panayam, sinabi ni G. Zhang na ang lahat ng pagtatangka ng mga pamahalang magdudulot ng kapayapaan ay kapuri-puri at nararapat lamang suportahan sapagkat maganda ang idudulot nito sa mga mamamayan.

MOHAGHER IQBAL, CHIEF MILF NEGOTIATING PANEL, LUMAGDA SA KASUNDUAN SA PAMAHALAAN NG PILIPINAS.  Makikita sa larawan si G. Mohagher Iqbal,(kaliwa)  ang pinuno ng MILF negotiating panel sa pakikipag-usap sa pamahalaan.  Matiyagang ipinaliliwanag ng MILF ang kanilang posisyon sa pagkakaroon ng Bangsamoro.  Kuha ang larawang ito sa Davao City.  (File copy ni Melo Acuna)

Samantala, sinabi ni Japanese Foreign Minister Fumio Kishida, isang magandang pangitain ang pagtatapos ng negosasyon sa pagitan ng Pamahalaan ng Pilipinas at MILF. Sa kanyang pakikipag-usap sa pamamagitan ng telepono kay Kalihim Albert F. Del Rosario kahapon, umaasa siyang magaganap ang transition tungo sa pagkakaroon ng Bangsamoro government sa 2016. Magpapatuloy ang suporta ng Japan sa pagpapalakas at pagpapatibay ng peace process.

Ayon naman kay Kalihim del Rosario, matagal ng tumutulong ang Japan sa Mindanao peace process sa paglahok sa International Monitoring Team, International Contact Group at Independent Commission on Policing at isang maasahang kabalikat ang Japan. Nagpasalamat siya sa panibagong commitment na tutulong sa peace process.

Sa panig ng Makati Business Club, binati nila ang Administrasyong Aquino at ang Moro Islamic Liberation Front sa matagumpay na paglagda sa Normalization at Addendum on Bangsamoro Waters, ang pinakahuli sa apat na annexes tungo sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Pinapurihan nila ang peace panel sa pamumuno ni Kalihim Teresita Quintos Deles at Chief negotiator Mirial Coronel Ferrer at ang MILF panel sa pamumuno ni chairman Al Haj Murad Ebrahim at chief ng MILF Peace Panel Mohagher Iqbal.

Ang gagawin na lamang ay ang pagbuo ng Bangsamoro Basic Law at mga probisyong napapaloob ditto. Kailangang makiisa ang mga mambabatas at iba pang stakeholders upang matiyak ang ipagtatagumpay nito.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>