|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Opisyal ng United Kingdom, na sa Pilipinas
DUMATING si Right Honourable William Hague MP, Secretary of State for Foreign and Commonwealth Affairs ng United Kingdom sa Pilipinas sa paanyaya ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.
Siya ang pinakamataas na British official na dumalaw sa bansa sa nakalipas na 25 taon.
Magkakausap sila ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III at Vice President Jejomar C. Binay na susundan ng bilateral meeting nila ni Kalihim del Rosario. Pag-uusapan nila ang paglahok ng United Kingdom sa reconstruction program para sa mga barangay na apektado ni "Yolanda." Isa ang United Kingdom sa pinakamalaking nag-ambag sa pamamagitan ng humanitarian aid at relief goods.
Pag-uusapan din ang papel ng United Kingdom sa Mindanao peace agreement, extradition at mutual legal assistance, combat against transnational crimes at pagpapalawak ng kooperasyon sa kalakal, investments at turismo.
Paksa ng kanyang talumpati ang "United Kingdom and the Asian Century" na siyang maglalahad ng kalakaran ng kanyang pamahalaan sa Asia.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |