|
||||||||
|
||
Ahensya ng transportasyon, nanawagan sa mga netizen
MAS makatutulong ang madla sa pakikiisa upang magkaroon ng ligtas, maayos at maasahang land transportation sa buong bansa sa paglahok sa LTFRB citizen enforcers sa pamamagitan ng social media networking site na binuo ng Land Transport Franchising and Regulatory Board.
Ayon kay Atty. Winston Ginez, chairman ng LTFRB, ang bagong Facebook account sa ilalim ng LTFRB Citizen Enforcer ay makapapayag sa publiko at sa local netizens na makalahok sa paguulat ng nagkakasalang public utility vehicles at mga public utility bus drivers at operators na lumalabag sa transport rules and regulations.
Maaari silang magreklamo, magpadala ng mga larawan at video ng mga tsuper at mga operator ng taxi, utility vehicles, jeepneys, buses at trucks na sinasakyan ng mga pasahero sa pamamagitan ng Citizen Enforcer Facebook account.
Kikilos sa pinakamabilis na paraan ang mga taga-LTFRB, dagdag pa ni Atty. Ginez.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |