|
||||||||
|
||
Mga Italyanong mag-aawit, dumating sa Pilipinas, makikiisa sa mga binagyo
ISANG grupo ng mga alagad ng sining ang darating sa Pilipinas upang magtampok ng isang pagtatanghal bilang pakikiisa sa mga biktima ni "Yolanda."
Ang grupong GenRosso, isang grupo ng mga kabataan mula sa Focolare Movement ang magbabahagi ng mensahe ng Mabuting Balita tulad ng pag-ibig at kapayapaan sa pamamagitan ng musika at sayaw sa darating na buwan.
Kilala sa pangalang "Gen" para sa bagong henerasyon at "Rosso" mula sa kulay ng kanilang original drum set, nabuo ang samahan noong 1966 sa bayan ng Loppiano, malapit sa Florence nang regaluhan ni Chiara Lubich, ang nagtatag ng Focolare, ang mga bata ng isang pulang drum set bilang ala-ala sa Kapaskuhan.
Ang grupo ay magtatanghal ng kanilang "Streetlight" sa iba't ibang bahagi ng bansa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |