Malacañang, tiniyak na may ginagawa upang maibsan ang kawalan ng kuryente
MAY ginagawang hakbang ang pamahalaan upang matiyak ang tuloy-tuloy na supply ng kuryente pagsapit ng tag-init na karaniwang dahilan ng pagtaas ng pangangailangan para sa mga bentilidaor at air conditioning units.
Ayon kay Kalihim Herminio "Sonny" Coloma, Jr., tiniyak na ni Energy Secretary Carlos Jericho Petilla sa pamahalaan na mapatakbo ang Malaya Thermal plant ng hanggang 70 araw.
Inaasahang tataas ang pangagailangan sa kuryente tuwing sasapit ang tag-init. Pinayuhan na ng tanggapan ni Kalihim Petilla ang mga kumpanya ng kuryente na magsagawa ng preventive and regular maintenance ng kanilang mga pasilidad sa panahon na mababa ang pangangailanga ng kuryente.
1 2 3 4