|
||||||||
|
||
Pagtitipon ng mga Layko, idaraos
MAGSASAMA-SAMA ang mga pari at layko sa Arkediyosesis ng Caceres sa Lungsod ng Naga sa darating na Linggo, ika-23 ng Pebrero sa University of Sta. Isabel mula ika-pito ng umaga hanggang ika-lima ng hapon.
May temang "Called to be Saints, sent Forth as Heroes: The Laity at the Forefront of New Evangelization," at dadaluhan ng dating Philippine Ambassador to the Vatican Henrietta De Villa bilang keynote speaker.
Ayon kay Caceres Arsobispo Rolando Tria-Tirona, magsasalita si Gng. De Villa sa ganap na ika-labing isa't kalahati ng umaga. Ilulunsad rin ang aklat na may pamagat na "Caceres of Bicol" samantalang pamumunuan ni Arsobispo Tria-Tirona ang Misa sa ganap na ikalawa ng hapon.
Babasahin din ang Pastoral Letter ng Chancellor ng Caceres at ihahayag ang mga Pledges of Commitment sa ngalan ng iba't ibang komisyon, mga pari at mga layko.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |