Si Sharon
Bukod pa riyan, mayroon ding mga kabataan na pinipiling huwag na lamang umuwi sa probinsya tuwing may special occasion para hindi na sila matanong ng mga magulang tungkol sa kanilang lovelife. Sa kabilang dako, dahil sa modernisasyon at westernization ng Tsina, marami ring mga Tsino – kabataan at nasa tamang edad, ang nakakaligtaang umuwi sa kanilang mga probinsya at kumustahin at alagaan ang kanilang mga magulang. Dahil dito, nagpasa ng isang batas ang pamahalaan, na nagsasabing kailangang umuwi ang lahat upang kumustahin ang mga magulang, lalo na kung Spring Festival.
Noong nakaraang linggo, narinig po natin ang mga saloobin ni Cathy, isa sa mga sikat na broadcast journalist sa Beijing tungkol sa mga isyung iyan. Ngayong gabi, dalawa pang dalaga ang ating makakapiling para mag-share ng damdamin tungkol dito. Narito po ang ikalawang bahagi ng ating Spring Festival Special.
1 2