|
||||||||
|
||
melo20140207.m4a
|
TINIYAK ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na tumutugon ang kanyang pamahalaan sa pangangailangan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.
Sa kanyang talumpati sa Change of Command ceremony sa punong himpilan ng Hukbong Katihan ng Pilipinas (Philippine Army) kaninang umaga, sinabi ni Pangulong Aquino na sa pag-unlad ng ekonomiya, mapauunlad na rin ang kapasidad ng santahang lakas at pulisya. Nakita na umano ang kapasidad na tumugon sa mga emerhensya tulad ng naganap sa Zamboanga City noong Setyembre, sa lindol sa Bohol noong Oktubre at sa napakalakas na bagyong tumama sa Central Philippines noong Nobyembre.
Pinuri niya ang mga kawal na sumaklolo sa mga biktima ng mga kalamidad.
Ani Pangulong Aquino, iba na ang kalagayan ng Armed Forces of the Philippines ngayon sapagkat pinagtitiwalaan na ng taumbayan. Malaki na rin ang ginagampanang papel ng non-commissioned officers.
Ipinangako ni Pangulong Aquino na magpapatuloy ang modernisasyon ng AFP at maging ng pambansang pulisya. Malaki ang utang na loob ng mamamayan at ng pamahalaan sa mga kawal sa uri ng paglilingkod at katapatang ipinakita sa mga nakalipas na panahon.
Ito ang kanyang pahayag sa pagtatalaga kay Major General Diosdado Irriberi bilang bagong Commanding General ng Philippine Army kanina. Pinasalamatan din niya si Lt. General Noel Coballes na nagretiro ngayon sa pagsapit ng kanyang ika-56 na kaarawan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |